What is wrong with mining?
Mining TNCs have relished a boom in the industry, in spite the fact that this has
increasingly become a serious problem to the environment and to the survival of peoples
of many developing countries.
Communities and organizations all over the world are witnesses to immediate and long
term impacts of mining on the environment. “Mining: Social and Environmental
Impacts,” a publication of the World Rainforest Movement has summarized these, to wit:
.. Deforestation that affects the habitat and continued existence of hundreds of
endemic and may be endangered species, impedes the constant flow of water from
the forests towards other ecosystems and urban centers, causes rapid fluid runoff
of rainwater, increasing flooding during rainy periods .
.. Open pit mines and other surface impacts, and the consequent erosion and
siltation of water systems that continues to worsen from growing heaps of rock
residues or wastes from the mining process (tailings).
.. Water depletion from enormous consumption of water by mining activities,
drying up wells and springs, and depriving communities of their supply of water.
.. Water contamination by acid mine drainage, that is, the drainage formed when
typically highly acidic ores, like pyrites (FeSO2 ) from surface mining, deep
mining or coal refuse piles are exposed to air or water. A self-perpetuating acid
material is generated that can go on for hundreds or even thousands of years,
depending on the presence of these ores in the area. This liberates latent toxic
chemicals (arsenic, mercury, cadmium and lead) in the soil, that when they reach
water bodies can aggravate pollution and destroy almost all forms of aquatic life.
.. Water contamination by hazardous chemicals used in the various stages of metal
processing, such as cyanide, concentrated acids and alkaline compounds.
.. Air pollution from dust generated by mining activities that may cause serious
respiratory troubles or allergic reactions in people and asphyxia in plants and
trees. The process also releases gases and toxic vapor from metal treatment, like
sulphur dioxide – responsible for acid rain – and carbon dioxide and methane
from burning of fossil fuels – two of the main greenhouse gases causing climate
change.
.. Noise pollution from the machinery used in mining and the blasting that creates
conditions which become unbearable for the local population, the forest wildlife
and worsens integrity of land forms.
.. Depletion of forest resources as mining activities consume enormous quantities of
wood for their construction
.. When carried out in remote zones, mining activities imply major works such as
road building (opening access to the forests), ports, mining villages, the deviation
of rivers, construction of dams and energy generating plants.”
However, a far heavier concern is the sufferings that peoples are made to endure from
TNC mining. Their mining operations, abetted by local business and corrupt governments
in the developing countries, fast deplete the mineral wealth of these countries and erase
opportunities for them to develop. Their operations also impact on health, alter social
relationships, destroy forms of community subsistence and life, cause social
disintegration, radical and abrupt changes in regional cultures, displace other present
and/or future local economic activities.
We have to add the hazardous and unhealthy working conditions of workers in this type
of activity. This is not to mention how mining corporations, oftentimes tolerated, if not
protected, by military forces, impose their plans on communities resulting to countless
cases of human rights violations.
Mining of mineral resources is essential in the production of industrial and consumer
goods, in agriculture, communication, transportation, and other industries that can help
poor countries overcome their underdevelopment and improve their people’s economic
well being. They form the basis of industrial development.
Yet, most developing countries, rich as they are in minerals and other natural resources
and for decades mined out by foreign corporations, remain barely subsisting, unable to
address poverty, unemployment, and lack of health and education services. These
countries hardly get close to where developed countries like Australia, Canada, the
United States and New Zealand have become.
Where lays the problem? Where does all the wealth go and who benefited?
Firstly, operations of mining TNCs are extractive and plunderous, the sole motivation of
which is to gain profits. Its drive is to extract more and more minerals, at the cheapest
cost. There is hardly space for judicious extraction and production of minerals. The
higher the cost of minerals in the world market, the more rapacious, extractive and
environmentally destructive mining TNCs are in their frantic drive for profits.
Secondly, mining TNCs do not extract minerals from developing countries for the latter's
use and development. Mining TNCs extract minerals for export and sale to their clients,
which are usually their mother companies that are also involved in production of finished
products in developed countries.
Thirdly, the conditioned backwardness of developing countries prevents them from being
able to accumulate capital and acquire the technology to develop industries. So how
could they extract and produce mines for their own development? This backwardness is
perpetuated by the unequal relations between imperialist countries and their semicolonies
where the latter is relegated to providing raw materials for the former’s
industries.
This is why the aspired development has never come for developing countries, whose
governments remain beholden to the interest of developed and imperialist countries and
allow them relentless extraction of their vital resources. The rich and powerful TNCs,
whose interests steer multilateral financial institutions, exploit developing countries’
indebtedness to pry open and plunder the latter’s natural wealth.
League of Filipino Students Tarlac
Thursday, January 5, 2012
Wednesday, December 7, 2011
Pagkundina sa Marahas na Pagbuwag sa Ikalawang-araw ng Protesta.
nagsisimula na naman ang sagadsagarang pagkahayok sa dugo ng mga pasista upang pahupain ang nag aalab na pagkilos at pagkakaisa ng mamamayang lumalaban. sumisidhi na naman ang kontra demokratikong anti mamamayang atake ng gobyerno. ano pa ba ang aasahan natin mula sa bulok na estadong ito? ngunit isa lang ang sigurado, di nila mabubuwag ang lakas ng nagpupuyos sa galit na mamamayan na sasamang kumikilos at lumalaban.
pagkundina sa marahas na pagbuwag sa hanay ng mga manggagawa, maralitang taga lungsod, kabataan at estudyanteng nagmartsa papuntang Mendiola, gayundin sa sa pag-aresto sa ilan.
pagkundina sa marahas na pagbuwag sa hanay ng mga manggagawa, maralitang taga lungsod, kabataan at estudyanteng nagmartsa papuntang Mendiola, gayundin sa sa pag-aresto sa ilan.
Friday, February 11, 2011
Patong-patong na pahirap ng gubyernong US-Aquino
Patong-patong na pahirap ng gubyernong US-Aquino
Gabay sa kampanya at propaganda
Enero 2011
Matagumpay ang ating mga naging pagkilos laban sa SUC budget cuts noong nakaraang taon. Lumikha ng kasaysayan ang umabot sa mahigit 20,000 na mga mag-aaral, guro, kawani, at administrador na nagkaisa at kumilos sa lagpas 80 na paaralan na nag-strike sa buong bansa.
Malakas nating inihayag ang paninidigan na ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan. Nagkapili-pilipit sa pagsisinungaling at pagpapalusot ang gubyernong Aquino, ngunit bigo ito sa panloloko at panghahati sa ating hanay.
Sa huli, napilitan silang umaming binawasan nga nila ang pondo sa edukasyon at may ibinalik na P117.6 milyon para sa MOOE ng mga SUCs at dagdag P200 milyon para sa Research and Development.
Tuloy-tuloy ang laban: kondenahin ang anti-mamamayang budget
Subalit, lubhang napakaliit ng ibinalik kumpara sa dapat na MOOE na isinabatas ng Kongreso na kinaltasan nila ng P1.1 bilyon. Napakaliit din nito kung ihahambing sa mga pangangailangan ng mga skwela. Binawi pa nila ang mga idinagdag na sa ibang mga SUC. Inilagay din sa “conditional veto” ang mga dagdag na ito, na maaaring ipitin pa ng Palasyo. Samakatuwid, may halos isang bilyon pa ring kaltas sa MOOE.
Samantala, kapal-mukha namang dinagdagan pa ng pondo ang Kongreso, Senado at mga LGU ng higit P1 bilyon. Nanatiling pa ring pinakamalaki ang idinagdag na pondo sa pambayad utang panlabas (P80.9 B), gastusing militar (P10 B), pork barrel (P13.9 B), PPP (P20.4B) at panlimos na Conditional Cash Transfer (P21 B), habang binawasan ang pondo para sa kalusugan, OFW at iba pang serbisyo.
Ang ipinasang badyet ni Noynoy ay malinaw pagkakait sa karapatan at serbisyo. Sa kabila ng ating mga paglaban ng mamamayan, palusot lamang ang kanilang isinagot at pinanatiling kontra-mamamayan at pabor sa interes ng dayuhan at iilan ang 2011 budget.
Hindi maaaring palagpasin ng kabataan at mamamayan ang kataksilang ito ng gubyernong Aquino sa mamamayan. Kailangang ang malawakang pagkondena laban sa ipinasang kontra-mamamayang 2011 budget.
Papatinding komersyalisasyon ng edukasyon
Nangangahulugan ito ng pagpapatuloy ng gubyerno sa patakaran ng pagpapabaya sa at komersyalisasyon ng edukasyon. Dahil sa mga kaltas sa pondo, nakaharap tayo sa higit na pagsahol ng kalagayan ng mga pamantasan na papasanin namang muli kapwa ng mga administrador, guro at mag-aaral.
Sa mga SUCs, magtutuloy-tuloy ang pagkabulok ng mga pasilidad, kawalan ng pondo para sa araw-araw na operasyon ng pamantasan, at nakaambang mga dagdag na bayarin sa ating mga paaralan.
Nakaamba na naman ang pagtataas ng mga bayarin sa mga SUCs. Sa EARIST, magtataas ng tig-P500 sa energy fee, hands-on fee at lab fee. Sa UP magtataas din ang PE fees, dorm fees at iba pang lab fees. Nakaamba pa ang mga pagtataas din ng mga bayarin sa marami pang SUC.
Sa mga pribadong pamantasan, higit na lumalakas ang loob ng mga kapitalista-edukador na magtaas ng bayarin dahil sa direksyon din ng gubyerno na magkomersyalisa. Kabi-kabila na namang ang nakatakdang pagtataas sa napakamahal na ngang matrikula at hindi makatwirang mga bayarin.
Nananatiling walang aksyon ang gubyernong Aquino sa taon-taon nang pagtataas ng matrikula sa ilalim ng nakaraang rehimen at mga hindi makatwirang bayaring sinisingil ng mga pamantasan. Tinataya pang tataas ng mahigit 10-15% ang matrikula ngayong taon.
Sa pagtindi ng patakaran ng komersyalisasyon ng edukasyon, higit na mas marami ang pagkakaitan ng kanilang karapatan at kinabukasan.
Dapat panagutan ng gubyerno ang krimen nito ng pagbabawas ng pondo sa edukasyon. Responsable ito sa krisis na kinakaharap at kakaharapin pa ng mga mag-aaral, administrado at guro sa taong ito. Makatwirang ipanawagan na magrechannel ang gubyerno ng pondo para sa mga SUC at itigil ang mga pagtataas ng matrikula at mga bayarin.
Pagtaas ng pasahe sa MRT/LRT at presyo ng bilihin
Dagdag pahirap at pangamba pa sa estudyante, kabataan at bayan ang sunod-sunod na mga pagtataas ng mga pamasahe sa MRT/LRT, jeep at taxi kasabay ng pagtataas ng mga bilihin.
Dodoble ang pamasahe sa MRT/LRT, mula P10-P20, P15-30. Makakadagdag ito ng higit P800 kada buwan sa gastusin ng karaniwang komyuter. Sa kita ng mga korporasyon na kinontrata sa MRT/LRT at mga dayuhang bangko mapupunta ang sisingilin na dagdag pasahe na hindi pantay na pinasok ng gubyerno.
Hakbang din ito ng gubyerno para iprivitize na ang MRT/LRT, sa balangkas ng Public-private Partnership Project (PPP) nito kung saan tuluyan na nitong iaabandona ang responsibilidad nito sa serbisyo sa mamamayan.
Tuloy-tuloy din ang pagtataas ng pasahe sa jeep at taxi dahil sa pagpabor ng gubyerno sa mga dayuhang kartel ng langis sa patuloy na pagpapatupad ng Oil Deregulation Law. Ayon sa mga pag-aaral, noong nakaraang taon ay nag-overprice ng mahigit P7 kada litro ang kartel. Umaabot sa P200,000 kada oras ang kinikita ng mga kumpanya ng langis dahil sa panggogoyo nito sa taumbayan.
Ang pagbabawas ng badyet ng subsidyo sa bigas, pagkain at produktong agrikultural ay nagtutulak din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang NFA rice ay nauna nang nagtaas mula P25 hanggang P27. Balak ng gubyerno tanggalin na ng tuluyan ang badyet ng NFA.
Kongretong nararanasan ng mamamayan ang mga malagim na epekto ng bulag na pagtalima ni Aquino sa patakaran ng neoliberal na globalisasyon at pagpabor nito sa interes ng dayuhan at iilan. Mabilis pa sa bagong sports car nito ang pagpabor nito sa interes ng iilang panginoong maylupa, komprador at dayuhan. Dapat labanan ng kabataan at bayan ang mga atake ng tutang gubyernong Aquino sa karapatan at serbisyo.
Panlalansi, paniniil at pagkatuta
Gaya ng rehimeng US-Arroyo, ipinagpapatuloy ng bagong rehimen ang tutang pagsunod sa patakarang kontra-insurhensya ng imeryalismong Estados Unidos. Bukambibig ngayon ni Aquino ang parehong mga kataga sa US Counter Insurgency (COIN) Guide, ikinukubli sa matatamis na salita ang layuning linlangin, supilin at patahimikin ang mamamayan. Ang bagong Oplan Bayanihan ng AFP ay nagtataglay pa rin ng mga katangian ng Oplan Bantay-Laya 1 at 2 na papaslang at lalabag sa karapatan at interes ng mamamayan.
Layunin ng rehimen sa pagpasok sa usapang pangkapayapaan sa NDFP ang panlalansi, panghahati at pagdurog sa kilusan ng mamamayan. Nailantad sa mga paglabag nito sa ceasefire at sa panghuhuli nito sa mga negosyador at lider ng NDFP sa panahon ng ceasefire ang kawalan nito ng intensyon na magsagawa ng mga tunay at makabuluhang reporma para lutasin ang ugat ng armadong rebolusyon at kahirapan.
Sa kabila ng pangako nito ng paglaban sa kurupsyon at pagpapanagot sa nakaraang rehimen, wala pang ni isang kasong naisasampa gubyernong Aquino laban kay Arroyo at mga kasapakat nito. Ang tanging hakbang na ginawa nito ay ang pagbubuo ng palpak at mahinang Truth Commission na sa ibinasura ng Korte Suprema na sa totoo’y magpapatagal pa nga at magpapahina ng mga kaso laban kay Arroyo. Kinukunsinte nito ang nagdaang rehimen at mga kasapakat nito at marami sa mga bahagi ng dating administrasyon ay nasa gubyerno din nito.
Umiinit ang bangayan mismo sa pagitan ng mga paksyon sa loob ng naghaharing uri at maging ng naghaharing rehimen. Gustong solohin ng paksyon ni Aquino ang kapangyarihan sa gubyerno na nagtutulak sa oposisyon na ilantad ang mga kalokohan ng rehimen. Naggugulangan at naggigitgitan sa kapangyarihan maging ang mga paksyon sa naghaharing rehimen, na nagwawatak-watak at nagpapahina pa rito.
Pahigpitin ang pagkakaisa, paigtingin ang paglaban
Sa harap ng patong-patong na pahirap, papalaki at papatinding paglaban din ang ating dapat na itapat. Mabisa ang naging pagkakaisa at malawak na pagkilos natin noong nakaraang taon na dapat nating ipagpatuloy, palawakin at higit pang palakasin.
Muli nating pagtibayin ang pagkakaisa at ikasa sa mga pamantasan, komunidad at pagawaan ang mga strike, walk-out, malalaking martsa. Kondenahin natin ang ginawang pagpapabaya sa karapatan sa edukasyon at tuloy-tuloy na komersyalisasyon. Labanan natin ang pagtaas ng pamasahe, presyo ng bilihin na dulot ng mga makadayuhan at iilang patakaran ng gubyernong US-Aquino.
Sa Pebrero 1, nananawagan ang mga organisasyon ng mga kabataan ng pambansang araw ng protesta at paglaban. Sa Pebrero 4, malakas na magpakilos sa konsultasyon hinggil sa MRT/LRT fare hike. At sa huling linggo ng Pebrero, isagawa natin ang malawakang kilusang boykoteo sa klase at malalaking pagkilos.
Labanan ang tumitinding komersyalisasyon sa edukasyon!
Labanan ang pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin!
No to MRT/LRT fare hike!
Ilantad at labanan ang tuta ng dayuhan at haciendero at komprador na rehimeng US-Aquino!
Thursday, January 20, 2011
Nasaan ang "PAGBABAGO" sa Administrasyon ni AQUINO???!!!!
Laking-tuwa ng mga Pilipino ng maluklok sa pagka-Pangulo Si Benigno Simeon "NoyNoy" Aquino III, anak ng dating pangulong Cory at dating senador Ninoy.
Marami ang maniwala sa kanya dahil sa pangako nyang "PAGBABAGO" noong kampanya.
Isa nga sa mga sumikat na lina noong eleksyon ang "KUNG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP".
Siyempre, sa pagnanais ng mga tao na makakita ng pagbabago, ibinoto nila si NoyNoy sa pag-aakalang giginhawa ang kanilang pamumuhay.
Akala nyo lang yun!
Sa pagsisimla ng termino no P-Noy('yan ang gusto nyang itawag sa kanya ng mga Pilipino) marami ang di natuwa sa mga hakbang na ginawa nya! (at isa na ako dun sa mga di natuwa)
Unang tunutulan ang pagkaltas sa Budget(SUC Budget Cut at maging sa Judiciary). Nagkaroon ng malawakang pagkilos ang mga estudyante bilang pagpapakita ng pagtutol dito.
Ngunit sadyang matigas ang ulo nya at itinuloy pa rin ito!
Paano naman ang mga estudyante na sapat lamang ang pambayad sa matrikula at hindi kakayanin ang pagtaas nito dahil sa Budget Cut sa SUC'c?
Paano ang mga magulang na todo kayd upang mapag-aral ang kanilang mga anak sa mga pampublikong pamantasan?
magdudulot ba ito ng magandang bukas? ang sagot: HINDI!!!!!!!!!!!!!!
Ngayn, pati ang pamasahe tumaas na din!
Ano ba yan???
Ano pa ba ang susunod dito?
Anompang mga WALANG KWENTANG gawain nila ang susunod???
Nagawa pa nyang bumili ng mamahaling Porsche.
Sino ang maniniwalang 3rd hang ito at P4.5 Milyon lang ang presyo?
Asus. Sino niloko nyo?
Sa kabila ng mga PROBLEMANG PANLIPUNAN, luho pa ang inuuna!
Ano ba naman yan?!
Parte ba ito ng "PAGBABAGO"?!
Mukhang lumik na po ang "TUWID NA DAAN" na ibinibida nila.
Sa kabila ng pnawagan sa Dagdag Sahod at Dagdag na Subsidy ganyan ang ginagawa nila.
Di magpaptinag ang mga Kabataan sa mga ginagawa ng Gobyeno.
Di kami magsasawang isigaw ang mga panawagan sa lansangan at sa mga komunidad!
Pati mga estudyante at nandyan din.
Ito ang totoo dyan:
"WALANG PAGBABAGO SA ILALIM NG REHIMENG US-AQUINO"
ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN,
NGAYON AY LUMALABAN, ISKOLAR NG BAYAN.
Marami ang maniwala sa kanya dahil sa pangako nyang "PAGBABAGO" noong kampanya.
Isa nga sa mga sumikat na lina noong eleksyon ang "KUNG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP".
Siyempre, sa pagnanais ng mga tao na makakita ng pagbabago, ibinoto nila si NoyNoy sa pag-aakalang giginhawa ang kanilang pamumuhay.
Akala nyo lang yun!
Sa pagsisimla ng termino no P-Noy('yan ang gusto nyang itawag sa kanya ng mga Pilipino) marami ang di natuwa sa mga hakbang na ginawa nya! (at isa na ako dun sa mga di natuwa)
Unang tunutulan ang pagkaltas sa Budget(SUC Budget Cut at maging sa Judiciary). Nagkaroon ng malawakang pagkilos ang mga estudyante bilang pagpapakita ng pagtutol dito.
Ngunit sadyang matigas ang ulo nya at itinuloy pa rin ito!
Paano naman ang mga estudyante na sapat lamang ang pambayad sa matrikula at hindi kakayanin ang pagtaas nito dahil sa Budget Cut sa SUC'c?
Paano ang mga magulang na todo kayd upang mapag-aral ang kanilang mga anak sa mga pampublikong pamantasan?
magdudulot ba ito ng magandang bukas? ang sagot: HINDI!!!!!!!!!!!!!!
Ngayn, pati ang pamasahe tumaas na din!
Ano ba yan???
Ano pa ba ang susunod dito?
Anompang mga WALANG KWENTANG gawain nila ang susunod???
Nagawa pa nyang bumili ng mamahaling Porsche.
Sino ang maniniwalang 3rd hang ito at P4.5 Milyon lang ang presyo?
Asus. Sino niloko nyo?
Sa kabila ng mga PROBLEMANG PANLIPUNAN, luho pa ang inuuna!
Ano ba naman yan?!
Parte ba ito ng "PAGBABAGO"?!
Mukhang lumik na po ang "TUWID NA DAAN" na ibinibida nila.
Sa kabila ng pnawagan sa Dagdag Sahod at Dagdag na Subsidy ganyan ang ginagawa nila.
Di magpaptinag ang mga Kabataan sa mga ginagawa ng Gobyeno.
Di kami magsasawang isigaw ang mga panawagan sa lansangan at sa mga komunidad!
Pati mga estudyante at nandyan din.
Ito ang totoo dyan:
"WALANG PAGBABAGO SA ILALIM NG REHIMENG US-AQUINO"
ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN,
NGAYON AY LUMALABAN, ISKOLAR NG BAYAN.
Wednesday, January 5, 2011
Friday, December 24, 2010
AFP Lumabag sa CEASE FIRE
Sa ngalan po ng LFS Tarlac at ng Sector ng Kabataan sa Probinsya ng Tarlac, kami po ay nagdadalamdati at nakikiramay sa pagkamatay ni Stephen Lester Barrientos ng Anakbayan-Southern Tagalog.
'Di marunong tumupad sa kasunduan ang AFP. Isa lang ang pinapatunayan nyan, na sila ang pangunahing tagapaglabag sa karapatang panatao. Puro pandarahas lang ang alam nila. Marunog ba sila umintinde ng Ingles o maski Tagalog lang? Dapat yata eh nasa lokal na diyalekto ang kasunduan ng sa ganun ay maintindihan nila.
Bibisiyahin lang nya ang kanyang ama sa San Jose, Occidental Mindoro, nang hindi nya alam na ganun ang mangyayari.
Sa ginawang ito ng militar, ibabato na naman ba ang sisi sa mga rebelbe n tinatawag nila? gayong sila ang lumabag sa kasunduan. Opensiba ba ng 80th Infantry Batallion Ng AFP ang makapatay ng sibilyan? Dapat ay may managaot sa nangyari.
Panagutin ang AFP!
Katarungan para kay Stephen Lester Barrientos!
-League of Filipino Students Tarlac-
'Di marunong tumupad sa kasunduan ang AFP. Isa lang ang pinapatunayan nyan, na sila ang pangunahing tagapaglabag sa karapatang panatao. Puro pandarahas lang ang alam nila. Marunog ba sila umintinde ng Ingles o maski Tagalog lang? Dapat yata eh nasa lokal na diyalekto ang kasunduan ng sa ganun ay maintindihan nila.
Bibisiyahin lang nya ang kanyang ama sa San Jose, Occidental Mindoro, nang hindi nya alam na ganun ang mangyayari.
Sa ginawang ito ng militar, ibabato na naman ba ang sisi sa mga rebelbe n tinatawag nila? gayong sila ang lumabag sa kasunduan. Opensiba ba ng 80th Infantry Batallion Ng AFP ang makapatay ng sibilyan? Dapat ay may managaot sa nangyari.
Panagutin ang AFP!
Katarungan para kay Stephen Lester Barrientos!
-League of Filipino Students Tarlac-
Tuesday, December 21, 2010
Parangal kay Tang Eli
Eliseo "Tang Eli" Cadiang
Kagabi ay binigyan ng parangal ng ibat ibang progresibong organisasyon dito sa Tarlac ang isang organisador at isang magiting na lider. Siya ay si Eliseo Cadiang o mas kilala sa tawag na Tang Eli o Ka Eli.
Nakaranas man ng pandadahas sa kamay ng militar noong panahon ni Marcos ay hindi siya nagpatinag bagkos ay nagpatuloy na magorganisa. Isa siya sa mga tumulong sa pagtatatag at pagbuo ng BAYAN MUNA kasama sina Ka Satur Ocampo at ang iba pa.
Pinakamataas na pagpupugay ay binigay sa kanya sa kanyang huling gabi. Tunay na madami siyang nagawa at naorganisa dito sa Tarlac. Walang katumbas na salita ang pwedeng ihambing sa kanya.
Nagbigay ng mensahe ang Pambansang Kalihiman ng BAYAN at gayundin ang mga lider ng mga progresibong organisasyon, kabilang ang BAYAN Tarlac, AMGL, LFS Tarlac, at gayundin ang mga taga Hacienda Luisita.
Paalam Tang Eli. Mananatiling buhay ang iyong mga aral para sa tagumpay ng ating laban.
Mabuhay si Tang Eli!
Mabuhay ang mamamayang lumalaban!
Kagabi ay binigyan ng parangal ng ibat ibang progresibong organisasyon dito sa Tarlac ang isang organisador at isang magiting na lider. Siya ay si Eliseo Cadiang o mas kilala sa tawag na Tang Eli o Ka Eli.
Nakaranas man ng pandadahas sa kamay ng militar noong panahon ni Marcos ay hindi siya nagpatinag bagkos ay nagpatuloy na magorganisa. Isa siya sa mga tumulong sa pagtatatag at pagbuo ng BAYAN MUNA kasama sina Ka Satur Ocampo at ang iba pa.
Pinakamataas na pagpupugay ay binigay sa kanya sa kanyang huling gabi. Tunay na madami siyang nagawa at naorganisa dito sa Tarlac. Walang katumbas na salita ang pwedeng ihambing sa kanya.
Nagbigay ng mensahe ang Pambansang Kalihiman ng BAYAN at gayundin ang mga lider ng mga progresibong organisasyon, kabilang ang BAYAN Tarlac, AMGL, LFS Tarlac, at gayundin ang mga taga Hacienda Luisita.
Paalam Tang Eli. Mananatiling buhay ang iyong mga aral para sa tagumpay ng ating laban.
Mabuhay si Tang Eli!
Mabuhay ang mamamayang lumalaban!
Subscribe to:
Posts (Atom)