Friday, December 24, 2010

AFP Lumabag sa CEASE FIRE

Sa ngalan po ng LFS Tarlac at ng Sector ng Kabataan sa Probinsya ng Tarlac, kami po ay nagdadalamdati at nakikiramay sa pagkamatay ni Stephen Lester Barrientos ng Anakbayan-Southern Tagalog.

'Di marunong tumupad sa kasunduan ang AFP. Isa lang ang pinapatunayan nyan, na sila ang pangunahing tagapaglabag sa karapatang panatao. Puro pandarahas lang ang alam nila. Marunog ba sila umintinde ng Ingles o maski Tagalog lang? Dapat yata eh nasa lokal na diyalekto ang kasunduan ng sa ganun ay maintindihan nila.

Bibisiyahin lang nya ang kanyang ama sa San Jose, Occidental Mindoro, nang hindi nya alam na ganun ang mangyayari.


Sa ginawang ito ng militar, ibabato na naman ba ang sisi sa mga rebelbe n tinatawag nila? gayong sila ang lumabag sa kasunduan. Opensiba ba ng 80th Infantry Batallion Ng AFP ang makapatay ng sibilyan? Dapat ay may managaot sa nangyari.


Panagutin ang AFP!
Katarungan para kay Stephen Lester Barrientos!


-League of Filipino Students Tarlac-

No comments:

Post a Comment